Attention RANatics!
Nakarating sa aming kaalaman na may nangyaring pandurugas nitong mga nakaraang araw. May mga individual sa Apocalypse server na umabuso ng isang glitch upang makapag-dupe ng in-game gold.
Lubos na naapektuhan ang economy ng Apocalyse dahil sa pangyayaring ito. Kaya naman aming iro-rollback ang mga accounts sa Apocalypse server hanggang Friday, January 26, last week.
Ito ang dahilan kung bakit ang Apocalypse server ay sumasailalim sa extended maintenance ngayon, Monday, January 28 na aabutin pa hanggang bukas January 29 (10AM).
Dahil dito, ang sino mang mahuhuli sa hinaharap na aabuso sa mga glitch ay papatawan ng permanent block, maging guild leader man ito.
At dahil dito, walang puntos ang CP para sa Apocalypse last Saturday (January 26, 2013).
Ito ay aming ginagawa upang mapanatili ang balance ng economy sa bawat game server (Havoc, Strife, Alab, Rage, Apocalypse).
Para hindi na maulit ang ganitong pangyayari, maaaring maging alert sa mga kahinahinalang activities ng mga kapwa players at agad na i-report ang mga ito sa RAN forums.
Muli ay humihigi kami ng paumanhin sa extended maintenance sa Apocalypse server. Salamat sa patuloy na pagsuporta.
- RAN GM Team





